Chikahang Pinoy Search

Enter your keyword

Wednesday, December 10, 2008

Anne Curtis nililigawan ng anak ng prinsipe ng Brunie





Sa The buzz "top 10" question ni Boy Abunda ay matapang niyang hinarap at sinagot ang bawat tanong.






No. 10 question
TANONG: Anne hipotethical ito, sabay sabay na nalagay sa panganib sina yyo Sotto, Richard Gutierrez, at Luiz Manzano. Bilang isang dyosa sino sa kanilang tatlo ang pipiliin mong iligtas at bakit?
SAGOT: Siguro uunahin ko na si .. Manzano. syempre bestfriend ko yun, at alam kong isisave niya rin kaagad yung iba.

No. 9 question
TANONG: After your break up with Sam kayo ba ay nahirapan.. ang balita namin ay nahirapan kayong magtrabaho sa set ng dyosa. tanong, nagalit ba sa inyo ang direktor na si Wenn deramas?
SAGOT: Alam ko nahirapan si derek wenn.. kaya pinag-usap kami talaga sa set... pinag-usap lang kami sa tent.. naayos kaagad.

No. 8 question
TANONG: Anne sa lahat ng girls na na=link kay Sam, sino ang pinaka-pinagselosan mo at bakit?
SAGOT: wala...i mean meron!... ayokong sabihin....siguro ang pinakamatindi ko... hindi naman matindi, pero yung first na sobrang naapektuhan ako was a... siguro Marriana... may video kasi eh... nagselos talaga ako. pero i got over it naman kasi it happen naman nung hindi naman wala kaming naything ni Sam, so selos lang yun.

No.7 question
TANONG: Anne deretsahang tanong, nung kumalat ang balita na may kaugnayan si Ruffa mae Quinto kay Sam Milby, totoo bang tinawagan mo si peachy.. oo o hindi ano ang inyong pinagusapan?
SAGOT: Ang nangyari.. ininterview ako ni ate mash kasi presscon yun ng baller .. ininterview ako.. parang may pahabol, just in..ina-nnounce daw ni ate Ruffa at saka ni ate Ruffa Mae na parang Sam.. pumunta si peachy sa bahay, so sabi ko "girl alam mo ba na may tsismis kayo ni sam" so sabi nya "talaga" hnd na siya sumagot, tapos nung tumawag siya sakin sabi niya na "if ever anything.. gusto niya mangaling kay Sam hindi mangaling sa kanya" so sabi ko, ano yun? "hindi wala tiningnan ko lang yung bahay niya.. alam mo naman yun" sabi ko oo naman alam ko yun, hindi ko naman binibigyan ng malice.. kasi alam ko kaibigan ko si peachy.

No.6 question
TANONG: Lumabas ang balitang nagkausap at nagka=ayos na raw kayo ni Sam. Sa pag-uusap nyo bang ito pumasok sa isip mong sana magkabalikan na kayo?
SAGOT: noong nag-sap na kasi kami ni Sam ok na ako, meaning hindi na ako yung.. like in my last interview, i was medyo hindi ok.. so nung nag-usap kami ni Sam alam mo nandun yung acceptance siguro.. so ok na ako, so hindi pumasok sa isip ko.
TANONG: sarado na talaga ang puso mo?
SAGOT: Hindi naman, but its more.. parang.. whatever the future has store for us will cross the bridge na lang when we get there.

No.5 question
TANONG: Sa isang panayam, sa isang interview sinabi ni Sam na ang ideal relationship nya daw ay yung nagkakatulungan sila ng girlfriend nya to grow as a person and to bring out the best in one another. sa tingin mo ba, you and sam didn't grow as a person when you were together?
SAGOT: I think meron din kaming we brought out the best in each other but then meron ding times or certain things na hindi, that's why it happens..yes.

No.4 question
TANONG: nang tinanong si Sam kung ikaw pa rin ang nag-iisang dyosa sa buhay nya... sabi nya "there's nobody else, there's no other girl in my life" naniniwala ka ba?
SAGOT: well yeah..i choose to believe him.
TANONG: you believe him that you're the only girl in his life, at this point as we talk?
SAGOT: well, i don't know... i mean, hindi ko talaga alam dahil hindi ko naman tinatanong kay sam yun nuh, hindi ko alam talaga.

No.3 question
TANONG: kung babalikan natin ang iyong mga relasyon in the past, parang walang umabot ng tatlong taon sa apat na failed relationships. minsan ba inisip mo sa iyong sarili na...ako ba ang may pagkukulang?
SAGOT: at one point, oo din siguro. meron din akong pagkukulang.
TANONG: did you ask yourself?
SAGOT: oo, i think lahat naman ng tao.. when a relationship ends in your life, pagiisipan mo anong pagkukulang ko o anong pagkukulang din nya. oo naiisp ko din naman na meron din naman siguro akong pagkukulang sa relationship.

No.2 question
TANONG: Bulung-bulungan ang hindi nyo daw pagkakasundo ni Toni Gonzaga. Do you dislike Toni Gonzaga?
SAGOT: No... of course not. kung ano man yung sa kanila ni Sam that was in the past na at kami ni Toni were fine.. were ok.

No.1 question
TANONG: Lumabas ang balitang diumano'y sinisiraan mo daw si Kc Conception,at nagkita daw kayo sa concert ni Sarah Geronimo pero hindi kayo nagpansinan, dalawang balitang matitindi. Ang tanong totoo ba ang mga balitang ito?
SAGOT: Hindi po totoo yan, hindi po totoo hindi ko po talaga sinisiraan si Kc. i don't have anything against her, and nakakahiya nga kasi nadadamay pa siya sa amin ni Sam.. sorry talaga to Kc and kung nadadamay siya sa amin ni Sam.. nakakahiya talaga kasi wala naman talaga.
TANONG: Sa concert ni Sarah Geronimo?
SAGOT: Nagpansinan kami. magkatabi kami eh... nag-hi naman kami eh..
TANONG: Are you friends?
SAGOT: Hindi kami close eh. not yet, wala pang chance.

Huling Tanong
TANONG: Totoo ba na may nagpapadala ng mga mamahaling alahas at totoo ba na ikaw ay nililigawan ng anak ng prinsipe ng brunie?
SAGOT: No...no.. no no no.. walang nanliligaw.
TANONG: Walang nagpapadala ng lahas?
SAGOT: Wala.




1 comment:

  1. dapat lang na mag move on na si Anne pagkatapos ng break up nila ni Sam

    ReplyDelete

CHAT BOX
For the Avatar, just put the direct url inside the (e-mail/url) box hosted by tinypic, photobucket, imageshack, or any other hosting site.

Copyright@Chikahang pinoy 2008