Chikahang Pinoy Search

Enter your keyword

Wednesday, November 26, 2008

Vina Morales, idineny ng nakabuntis?


Lumabas kamakailan sa mga pahayagan at magasin ang di umanoy denial ng nasabing negosyante na si Cedric Lee na siya ang ama ng ipinagbubuntis ng singer-actress na si Vina Morales. Ayon pa kay Cedric wala raw sinabi si Vina in public na siya ang ama at ang sabi lang daw ay non-showbiz ito.

Sa pamamagitan ng kaibigan na si Ruffa Gutierrez, ipinarating ng businessman na si Cedric Lee na walang katotohanan ang mga balitang itinatanggi di umano niya na siya ang ama ng batang dinadala ng singer-actress na si Vina Morales. Ayon kay Ruffa sa The Buzz (nov.22), walang statements na ganun na ini-issue si Cedric."He said that he's taking responsibility for whatever actions he took or he have made in the past" dagdag pa nito. Nagulat di umano si Cedric sa mga naglalabasang balita na itinatatwa nya ang bata sa sinapupunan ni Vina. Sinabi pa nito na di raw niya tatakbuhan ang responsibilidad niya kay Vina at sa kanyang baby, ayon pa dito ay malaki raw ang pagpapahalaga niya sa family values at privacy.

Natatandaang lumantad si Vina ilang buwan ang nakakaraan at inaming siya ay nagdadalantao sa non-showbiz niyang boyfren. Sa kasalukuyan ay nasa US Tour si Vina at ipinababatid ang balitang ayaw na daw niyang pahabain ang isyung ito lalo na't mas marami naman daw ang mas excited sa kanyang pagbubuntis.



No comments:

Post a Comment

CHAT BOX
For the Avatar, just put the direct url inside the (e-mail/url) box hosted by tinypic, photobucket, imageshack, or any other hosting site.

Copyright@Chikahang pinoy 2008